Witness sa pagkakapaslang 17-anyos sa Caloocan, nasa kustodiya ng senador

0
13

Sharing is caring!

Nasa kustodiya at proteksyon na ni Sen. Risa Honteveros ang witness sa pagkakapaslang sa 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos.

Sa isang statement, sinabi ng senadora na isang istitusyon pa ang kanyang katuwang niya sa pagbigay ng proteksyon sa witness na ito.

Makakatanggap aniya ito ng kaparehas na proteksyon katulad ng ibinibigay ngayon sa pamilya ng napaslang na biktima.

“The protection provided to the family will be extended to the key witnesses who will help in bringing to justice the perpetrators of the extrajudicial killing of Kian Lloyd delos Santos,” ani Honteveros.

Read Also:  PNP's Double Barrel Project nets close to 40,000 drug personalities in Region 9

Nabatid na nagtungo ang senadora sa lamay ni Kian, na napaslang sa anti-drug operation sa Caloocan City noong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Honteveros na sa kanyang pagbisita sa lamay kahapon, tiniyak daw nito ang proteksyon ng pamilya ni Kian at ng naturang witness sa pangyayari.

Magugunita na binawian ng buhay si Kian matapos na nabaril sa Oplan Galugad operation sa Barangay 160 noong Miyerkules ng gabi.

Sharing is caring!