Umakyat na sa 16 ang patay sa Ozamiz raid; pumanaw ang isa pang Parojinog

0
181

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na isa pang miyembro ng pamilya Parojinog ang pumanaw na.

Binawian ng buhay si Darryl Parojinog, 20, habang ginagamot sa hospital.

Kabilang ito sa mga nasugatan sa isinagawang raid ng Ozamiz police nitong nakalipas na araw ng Linggo.

Sinasabing si Daryll ay pinsan ni Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Jr.

Tinamaan ito ng bala ng baril nang mangyari ang sagupaan.

Inihayag ni Topacio, legal counsel ng bise alkalde, na may ilan pang kamag-anak ng mga Parojinog ang ginagamot sa hospital.

Sa ngayon umakyat na sa 16 na mga indibwal ang nasawi sa inilunsad na operasyon ng CIDG Region-10 laban sa mga Parojinog.

Read Also:  Parojinog daughter asks Duterte to probe killing of Ozamiz mayor, 14 others

Sharing is caring!