Sundalo na naka Civilian patay ng sitahin ng Pulis sa Monte Alegre, Aurora Zambo Sur

0
162

Sharing is caring!

Patay ang isang naka civilian na sundalo ng pumalag na sitahin ng Pulis.

Ayon sa report nakatangap umano ng sumbong ang mga pulis mula sa sibilyan sa area na may lalaking nakatayo sa tindahan sa Monte Alegre, Aurora at halatang may sukbit na baril sa tagiliran.

Nang puntahan ng pulisya at sitahin ito bigla umanong bumunot ang nasabing lalake naunahan naman ito ng 2 romesponding pulis at napuruhan ang lalake na kaagad nya namang kinamatay.

Nang usisahin ang mga dala nitong bag don na napag alaman na aktibong sundalo ito ng 53rdIB at naka destino sa Marawi.

Read Also:  5,070 ‘drug personalities’ surrender in Zambo Sur

Sa personal na interview ng asawa galing umano ito sa bakbakan sa Marawi at pauwi na sa kanila bumaba ito sa nasabing lugar ng hindi na malaman ang daan pauwi. Inamin din ng asawa na parang wala na sa sarili ito ng tumawag sa kaniya. (pakingan ang interview)

Nangalaiti naman sa galit ang pamilya at kasamahan nito nang makitang wala nang buhay ang kanilang kabaro.

May ilang version din na lumabas galing sa mga sibilyan na nasa area na hindi umano nang laban o bumunot ang nasabing sundalo pero tumanggi naman itong mag pa interview sa atin.

Samantala nag sagawa na nang masusing inbistigasyon ang magkabilang panig, para ma panagot kung sino ang may kasalanan.

Read Also:  Highway Patrol Group seizes carnapped vehicle in Pagadian

Humming naman ng hustisya ang mga kamag anak at kaibigan ng biktima at ito’y ipinaabot sa social media.

Sharing is caring!