Suliranin ng trapiko sa Lungsod ng Pagadian, Malulutas na

by Kenneth Bustamante-dxpr news team

0
14

Sharing is caring!

Pagadian City, Zamboanga del sur—–Simula ngayong araw mahigpit na ipapatupad sa lungsod ng pagadian ang Presidential Decree No. 17 o Revised Philippine Higway Act bilang tugon sa lumalalang problema ng trapiko sa lungsod.

Bahagi umano ito sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalan para maresolba ang problema sa trapiko sa Pagadian, partikular sa Rizal Avenue. Nasa mahigit sa isang daan na traffic enforcers ang ipapakalat upang sila ang sisita sa mga motorista na lalabag sa batas trapiko.

Sa panayam ng RMN-DXPR Pagadian kay Pagadian City Traffic Divison Head Engr. Elmer Pranza, makakatulong din umano ang mas istriktong pagpapatupad ng pulisya sa mga batas-trapiko at pag-aalis ng mga nakaparadang sasakyan sa mga kalsada para mapaluwag ang trapiko.

Read Also:  Pamamaril sa lalaki sa harap ng kanyang anak sa Pagadian City, Zamboanga Del Sur, na-hulicam

Nananawagan si Engr. Pranza sa mga may-ari ng mga sasakyan na mas maiging huwag iparada at iwan ang kanilang mga sasakyan na hindi maayos ang pagkakapark nito at sundin ang kanilang ipinapatupad na Parallel parking system sa siyudad.

Sharing is caring!