Sept. 1, regular holiday dahil sa Eid’l Adha

0
8

Sharing is caring!

Idineklara na ng Malacanang na isang regular holiday ang September 1, araw ng Biyernes.

Ito ay bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa selebrasyon ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ang Eid’l Adha ay ikalawang pinakamalaking festival para sa mga Muslim.

Hudyat ito ng pagtatapos ng taunang Hajj pilgrimage sa Mecca.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 297 na nagdedeklarang holiday ang nasabing petsa sa buong bansa.

Sharing is caring!