Senators na ninong at ninang ng idinadawit sa drug shipment, kanya-kanyang paliwanag

0
23

Sharing is caring!

Kanya-kanyang paliwanag ang ilang senador, makaraang lumutang na rin ang pangalan ng isang Kenneth Dong sa shipment ng kargamento mula sa China na natuklasang naglalaman ng bilyon-bilyong droga.

Nabatid na may mga mambabatas kasing nagsilbing ninong at ninang ni Dong nang ikasal ito noong 2013.

Ayon kina Sen. Risa Hontiveros at Sen. JV Ejercito, totoong nakatanggap sila ng campaign fund mula sa naturang negosyante, ngunit wala silang alam sa mga transaksyon nito.

Maging sina Sen. Migz Zubiri, Sen. Joel Villanueva at Sen. Kiko Pangilinan ay naimbitahan din umano sa nasabing kasal.

Habang si Sen. Ralph Recto ay hindi nakadalo.

Read Also:  PNOY's Allies defend amid Mamasapano raps

Pero para kay Senate President Koko Pimentel, hindi dapat agad husgahan ang mga ninong at ninang ng nasabing negosyante, sa halip alamin muna ang partisipasyon nito sa anumang iligal na gawain at kasuhan kung kinakailangan.

Sharing is caring!