Senate majority caucus, isasagawa para pag-usapan ang ‘killing spree’ ng mga pulis

0
6

Sharing is caring!

Magpupulong ngayong araw ang mga miyembro ng majority bloc sa Senado para pag-usapan ang “state of killing” sa bansa.

Ito ay kasunod sa mas pina-igting pang kampanya ng Philippine National Police kontra iligal na droga noong nakaraang linggo, at ang pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, mismomg si Senate President Aquilino Pimentel III ang siyang nagpatawag ng majority caucus.

Sinabi ni Lacson na marami sa mga miyembro ng mayorya sa Senado ang nananawagan ng imbestigasyon sa mga napapatay ngayon ng mga pulis sa gitna ng anti-drug operations, kabilang na ang pagkasawi ni Delos Santos sa Caloocan City noong nakaraang linggo.

Maari aniyang ma-refer ang imbestigasyon para dito sa Senate public order and dangerous drugs committee, na kanyang pinamumunuan.

Read Also:  Ronnie Dayan admits affair with de Lima, vows to cooperate in Congress hearing

Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy pa rin daw kasi ang “killing spree” sa gitna ng war against drugs ng Duterte administration.

Magugunita na noong nakaraang linggo pumalo sa 81 na mga drug suspects ang napatay sa gitna ng mga raids ng mga pulis sa Bulacan, Manila at Camanava.

Sharing is caring!