Senate investigation sa Ozamiz City raid, OK kay Sen. Gordon

0
39

Sharing is caring!

Susuportahan ni Senate blue ribbon committee chairman Richard Gordon kung iimbestigahan ng Senado ang Ozamiz City raid na ikinamatay ng 15 katao kasama si Mayor Reynaldo Parojinog noong Linggo ng madaling araw.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Bacolod kay Gordon, inihayag nito na nakakalungkot ang pangyayari dahil marami ang namatay na kinabibilangan ng mga babae gaya ng misis ng alkalde na si Susan at kapatid ni Mayor Parojinog.

Marami aniya ang dapat ipaliwanag ng mga pulis sa nabanggit na operasyon kabilang na ang oras ng pagsilbi ng search warrant dahil isinagawa ito ng madaling araw.

Read Also:  Parojinog siblings test negative for drug use

Ayon pa kay Gordon, search warrant lamang at hindi warrant of arrest ang isinilbi ng Criminal Investigation and Detection Group kasama ang Misamis Occidental Police Provincial Office at Ozamiz City Police Station.

Dahil dito, marami ang bibigyang paliwanag ng pulisya ukol sa rules of engagement na ginamit lalo na at pinatay ng mga ito ang ilaw at sinira ang closed-circuit television camera.

Hindi dapat tularan ayon kay Gordon ang ginawa ng mga pulis dahil ayaw nitong may malalasing sa kapangyarihan.

Sharing is caring!