Sen. de Lima, binanatan na naman si Pangulong Duterte bago mag-SONA

0
19

Sharing is caring!

Manila, Philippines – Dalawang araw bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address muling inupakan ni Senador Leila de Lima si Pangulong Duterte.

Ayon kay Senator de Lima, isa sa mga pangunahing kritiko ng pangulo – walang ibang ipagmamalaki si Duterte sa ikalawa nitong sona kundi mga kasinungalingan at talamak na patayan sa bansa.

Anya – lampas narin sa deadline ang tatlo hanggang anim na buwan nitong pangako na wakasn ang ilegal na droga maging ang katiwalian at kontraktuwalisasyon sa hanay ng manggagawa.

Sharing is caring!