Pinakahuling Zamboangueño na hostage ng ASG sa Sulu, na-rescue

0
40

Sharing is caring!

ZAMBOANGA CITY – Matagumpay nang nailigtas ang pinakahuling Zamboangueño na binihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Base sa nakuhang impormasyon ng Star FM Zamboanga, kaninang madaling araw nang ma-rescue si si Edmundo “Moymoy” Ramos sa joint operation ng Joint Task Force Basilan at ng Naval Forces ng Philippine Navy sa Basilan.

Si alyas Moymoy ang ikaapat sa mga construction worker na binihag ng ASG sa Sulu noong Hulyo 15, 2017.

Kung matatandaan, ang tatlo nitong kasamahan ay nailigtas na noong nakaraang Biyernes nang magkaroon ng pagkakataon na makatakas sa kanilang abductors.

Read Also:  ‘Thank you, Duterte’: Norway, Indonesia express gratitude after nationals freed

Sa ngayon ay masaya ring ibinalita maging ng lokal na pamahalaan ang nasabing pagligtas kay Moymoy na pinakahuling bihag ng ASG na taga-Zamboanga City.

Sharing is caring!