Patricia Bautista, handang harapin ang mga kasong isinampa ng asawa

0
75

Sharing is caring!

Plano umano ng kampo ni Patricia Paz Bautista na sampahan ng kaso ang mga taong kasabwat para maitago ang mga kayamanan ng estranged wife nito na si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Martin Loon ang abogado ni Patricia, bagamat hindi pa nila kayang masampahan ng kaso si Bautista sa ngayon dahil sa immunity from suit bilang isang impeachable official ay mahalaga umanong mahabol ang mga taong nasa likod ng pagtatago ng kanyang ibang ari-arian.

Maghahain umano sila ng kaso sa sa tamang oras pero hindi naman niya pinangalanan kung sino-sino at ilang katao ang kanilang kakasuhan.

Read Also:  Bautista explains why the bull whip is his safe

Samantala, nakahanda umanong harapin ni Patricia ang mga kasong isinampa sa kanya ng Comelec chief na kinabibilangan ng extortion, robbery at grave coercion.

Ayon kay Loon, hindi natatakot ang kanyang kliyente sa mga isinampang kaso ng Comele chair dahil alam nilang sa huli ay sila ang mananalo sa kaso.

Naniniwala si Loon na hina-harass lamang ni Comelec chair ang kanyang asawa para tumahimik na ito sa kanyang pagsisiwalat.

Samantala sa isang panayam ay naging emosyunal naman si Comelec chair Bautista dahil apektado na raw ang kanyang mga anak sa nangyayari.

Sa katunayan ay hindi na raw pumapasok sa eskwelahan ang kanyang isang anak dahil apektado ito sa mga lumalabas na isyu.

Read Also:  ‘DI AKO BAKLA, ‘DI AKO PLAYBOY | Comelec chief Bautista parries wife’s blows

Binanggit din ni Bautista na buwan pa lamang ng Marso ay may lumabas ng mga balita na may black propaganda laban sa kanya.

Sharing is caring!