Pamilya ng mga pulis at sundalo na namatay sa Marawi City makakatanggap P1-M

0
16

Sharing is caring!

Magbibigay ng P1-million ang hindi na nagpakilalang negosyante sa mga pamilya ng mga namatay na sundalo at pulis sa Marawi City.

Isinagawa nito ang pangako sa ginawang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya ng mga namatay na sundalo at pulis dahil sa pakikipaglaban sa mga teroristang grupo sa Marawi City.

Ang nasabing pera ay bukod pa sa financial assistance na ibinigay ng pangulo na nagkakahalaga ng P250,000.

Sa kaniyang talumpati sa Malakanyang tiniyak ng pangulo na papaaralin niya ng libre ang mga anak ng mga namatay na sundalo at pulis na lumaban sa Marawi City.

Sa ngayon aniya ay mayroon ng P20 bilyon ito para mabuo ang P50 bilyon na educational assistance sa mga naulila ng mga pulis at sundalo.

Read Also:  Ombudsman, hinamon ni Trillanes na ilabas ang record ng AMLC tungkol sa tagong-yaman ni Pangulong Duterte

Sharing is caring!