Palasyo kay ex-Pres. Aquino: Alamin ‘facts & figures’ sa Duterte drug war

0
16

Sharing is caring!

Tahasang kinontra at sinagot ng Malacañang ang naging pahayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino Aquino na “parang wala yatang nangyari” sa mahigit isang taon ng anti-drug war ng Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, malinaw na ipinapakita ng mga resulta ng anti-drug campaign ni Pangulong Duterte kung ano na ang nangyari.

Ayon kay Abella, dahil sa kampanya ni Pangulong Duterte, sumuko ang nasa 1.3 million drug dependents, pagkakaaresto ng 96, 703 drug personalities at pagkakakumpiska ng 2,445.80 kilo ng shabu.

Ang mga ganitong pahayag daw ng mga dating lider ay negatibismo o pagdududang nanggagaling sa aniya’y “political opportunism.”

Read Also:  Duterte hindi bumisita sa Muntinlupa at walang clearing sa vendors - Ayon sa LGU

“With all due respect to former President Aquino, the results of PRRD’s anti-illegal drug campaign speak for themselves,” ani Abella. “Comments like the above from past leaders imply a jaded cynicism borne of a history of political opportunism.”

Sharing is caring!