‘Pagsasapubliko ng alegasyon vs Comelec chief, para sa proteksyon ng aming mga anak’ – Patricia

0
17

Sharing is caring!

Binigyan diin ng asawa ni Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista na si Patricia na isinapubliko niya ang alegasyong korapsyon laban sa nasabing opisyal para maprotektahan ang kanilang mga anak.

Sa isang panayam, sinabi ni Patricia Bautista na maaring malagay sa panganib ang kanilang mga anak dahil sa korapsyon na kinasasangkutan umano ng kanyang asawa.

Sinabi ni Patricia na ipinaliwanag niya sa kanilang mga anak na hindi masamang tao ang kanilang ama, bagkus nakagawa lamang umano ng maling desisyon.

Nililinaw naman din niya na hindi niya ito ginagawa para siraan lamang ang Comelec chairman, pero para daw maprotektahan ang kanilang mga anak.

Read Also:  Bautista explains why the bull whip is his safe

Nabatid na mayroong apat na anak ang mag-asawang Bautista.

Sharing is caring!