Pagkasawi ng mga Parojinog, resulta ng pinaigting na war vs drugs – Palace

0
67

Sharing is caring!

Iginiit ng Malacañang na resulta ng mas pinaigting pang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga ang pagkamatay ng umano’y narcopolicitician na si Ozamiz City mayor Reynaldo Parojinog, at 11 iba pa.

Sa isang txt message sa mga reporters, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ipinangako ng Duterte administration na hihigpitan pa nito ang kampanya kontra illegal drugs.

Kung matatandaan aniya, kabilang ang mga Parojinogs sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng inidibidwal na sangkot sa illegal drug trade.

“The Philippine National Police (PNP) conducted a raid in the Parojinog residence this morning which led to the arrest of Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez and scores of others,” ani Abella.

Read Also:  Suspension order vs controversial cop nixed

Kaninang madaling araw napatay sa isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group Region 10 sina Mayor Parojinog, misis nito na si Susan, at Misamis Occidental Board member Octavio Parojinog Jr.

Siyam iba pa ang nasawi rin sa raid matapos na nagpaputok umano ang mga security ni Parojinog laban sa mga otoridad na nagsilbi ng anim na search warrants.

Samantala, arestado naman si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez, meanwhile, ang dating girlfriend umano ni Bilibid drug lord Herbert Colanggo.

Sa naturang raid, nakumpiska naman ng mga otoridad ang ilang high-powered na mga baril at pinaghihinalaang shabu sa bahay na pagmamay-ari ng mga Parojinog.

Read Also:  Photo of Senator Leila Delima and the Parojinogs of Ozamiz gone viral in social media

Sharing is caring!