Pagbisita ni Espenido sa Ozamiz City Hall, mala-celebrity ang dating

0
140

Sharing is caring!

Mainit na tinanggap ng mga empleyado ng city hall ang pagbisita sa kontrobersyal na si Ozamiz City Police Station commander C/Insp. Jovie Espenido kaninang umaga.

Mala-celebrity kasi ang eksena kung saan marami ang nagpa-picture sa kaniya.

Isa-isang kinamusta ng hepe ng pulisya ang mga kawani ng lokal na pamahalaan lalo pa’t marami sa kanila ang nagdalamhati sa pagkakapatay kay Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr., sa anti-drug operation at ang pagkakulong kay Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez.

Partikular na binisita ni Espenido ang tanggapan ni officer-in-charge Mayor Irene “Girlette” Luansing, gayundin ang tanggapan ng Register of Deeds, City Assessors Office, Human Resources office, at General Services Office.

Read Also:  Relatives say truth buried with Parojinogs as Espenido’s ‘lies’ prevailed

Personal na hiningi ni Espenido ang suporta ni Mayor Luansing partikular na sa kampaniya nito laban sa iligal na droga na talamak sa nasabing lugar.

Napag-alaman na matapos ang pagbisita ni Espenido sa city hall, sisimulan na nila ang paghuhukay ng dalawang balon na umano’y pinaglagyan ng mga taong napaslang ng mga Parojinog.

Sharing is caring!