Pag-isnab uli ni ex-Pres. Aquino sa SONA ni Duterte, nirerespeto ng Palasyo

0
11

Sharing is caring!

Iginagalang ng Malacañang ang desisyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino na huwag dumalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, nasa dating Pangulo naman talaga ang desisyon kung paunlakan o hindi ang imbitasyon ng Malacañang.

Ayon pa kay Andanar, lahat naman ng naging Pangulo ay pinadalhan nila ng imbitasyon kabilang na sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Joseph Estrada, gayundin si ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito na ang ikalawang pagkakataong hindi dadalo si Aquino sa SONA ni Pangulong Duterte.

Samantala, inihayag ni Andanar na pagkatapos ng SONA ng Pangulo ay magpapatawag ito ng press conference.

Read Also:  BUILD, BUILD, BUILD | Duterte to launch biggest infra program in PHL

Bibihira aniya ang ganitong pagkakataong magpatawag ng press conference ang chief executive pagkatapos ng kanyang gagawing pag-uulat sa bayan.

Sharing is caring!