P2-M sa bawat pulis na sangkot sa Ozamiz killings; gusto ko ‘dead or alive’ – Duterte

0
11

Sharing is caring!

Muling iniutos ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na gawin lamang ang kanilang mga trabaho at sila ay kanyang poprotektahan.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang pangunguna sa 116th anniversary ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame.

Sinabi ni Pangulong Duterte, basta sundin lamang ng mga pulis ang kanyang utos at hindi sila pababayaan basta huwag lamang gagawa ng krimen o pag-abuso.

Kasabay nito, inianunsyo ni Pangulong Duterte ang kanyang alok na pabuyang P2 million sa bawat pulis na sangkot sa mga pagpatay sa Ozamiz City.

Read Also:  Ozamiz Mayor Parojinog admits daughter’s relationship with jailed drug lord

Ayon kay Pangulong Duterte, gusto niya “dead or alive” ang mga nasabing pulis na ginamit umano ng mga Parojinog pero mas nanaisin niyang sila’y patay.

Kasabay nito, muling tiniyak ni Pangulong Duterte ang kanyang proteksyon kina P/Supt. Marvin Marcos at Chief Insp. Jovie Espenido na sumusunod umano sa kanyang utos laban sa iligal na droga.

Si Espinido ay kabilang sa mga pinarangalan sa selebrasyon ng PNP anniversary.

Sharing is caring!