Ozamiz Mayor Parojinog at Franz Sabalones nadiskubreng sabay na naging abay sa kasal ng napatay na high value target

0
155

Sharing is caring!

Nadiskubre na inaanak sa kasal ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr ang napatay na high value target drug personality na si Manolito Sinsil noong nakaraang Biyernes sa Talisay City, Cebu.

Ayon kay Police Chief Supt. Jose Mario Espino ang Regional Director ng Police Regional Office Region (PRO-7), ayon sa nakuha nilang impormasyon galing sa intelligence, lumalabas na kaya nauugnay ang pangalan ng mayor kay Sinsil dahil inaanak pala ito ng mayor sa kasal.

Napag-alaman din na kasabay na naging abay si Mayor Parojinog at Franz Sabalones ang top two drug lord sa Central Visayas sa kasal ni Sinsil kaya nakikita ng PNP ngayon na malaki ang tiwala ni Sabalones at ng alkade sa napatay na drug pusher.

Read Also:  Dagdag na kaso vs Parojinogs, kasunod ng paglutang ng umano’y testigo – Ozamiz PNP

Kaya naman ngayon iginiit ni Espino na patuloy nila itong iimbestigahan para matumbok ang iba pang mga nauugnay na malalaking personalidad sa iligal na droga.

Sharing is caring!