Ozamis City Chief Jovie Espenido naglabas ng ultimatum laban sa Parojinog sympathizers

0
274

Sharing is caring!

Binigyan ni Ozamis City Chief Jovie Espenido ng 24 oras ang lahat ng mga sympathizers ng pamilyang Parojinog upang ilabas ang mga umano’y itinagong mga armas na pag-aari ng pamilya.

Aniya, mas mabuting i-surrender ang mga pinaghahanap na armas na binitbit umano ng mga sympathizers ng pamilya Parojinog upang magkaroon ng peace of mind ang mga pamilyang masasangkot sa kaso ng mga akusado.

Iginiit ni Espenido na huhulihin ang nila ang sinumang lalabag sa batas. Ibinigay na rin ng hepe ng Ozamis City Police ang kanyang sariling cellphone number upang makontak siya sa sinumang gustong magsurrender ng mga armas o kontrabandong pag-aari ng pamilyang sangkot sa isinilbing anim na search warrant.

“Ayaw ko ninyo, o ayaw mi ninyo paabuta nga dakupon mo, or may mahitabo ninyo. Pagtawag lang, naa akong cellphone number gihatag naku sa tanan. Kung mahadlok mo, pag-ingon lang kay adtoon ta mo, masurrender lang ang tanan nga ilegal nga naa sa inyong gikaptan karon” ani ni Espenido.

Sharing is caring!