North Korea muling nagpakawala ng missile – Pentagon

0
7

Sharing is caring!

Muling nagsagawa ng missile test ang North Korea.

Ito ang kinumpirma ng Pentagon at Japan.

Sinasabing tumama ang missile sa karagatang sakop ng Japan.

Inaalam pa nila kung ano ang range ng pinakahuling missile na pinakawalan ng North Korea.

Ito na ang pang-14 na pagpapakawala ng North Korea ng Intercontinental Ballistics Missiles ngayong 2017.

Sharing is caring!