Negros Island Region binuwag na ni Duterte batay sa Executive Order 38

0
18

Sharing is caring!

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) Number 38 na bumubuwag sa Negros Island Region (NIR).

Ang EO 38 ay nagpapawalang-bisa sa Executive Order 183 na nilagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2015 para buuin ang One Negros Island.

Dahil dito, babalik na sa Region 6 ang Negros Occidental habang mapupunta muli sa Region 7 ang Negros Oriental.

Nakasaad din sa EO ni Pangulong Duterte na lahat ng kasalukuyang personnel ng Negros Island Region ay pinababalik sa kanilang mga dating units of deployment o ire-assign sa ibang departamento o ahensya.

Binibigyan naman ng 60 araw ang Negros Island Region na ayusin ang lahat ng operasyon, transaksyon o pananagutan.

Read Also:  De Lima urges public: Call out abuse that may result from ‘state of lawlessness’

Inatasan din ng EO ang Department of Interior and Local Government (DILG) na pangasiwaan ang paghihiwalay muli ng rehiyon.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang EO 38 noong August 7 at magiging epektibo 15 araw matapos ang pagkakalathala sa mga pahayagang mayroong general circulation.

Sharing is caring!