NBI, nag-inspeksyon sa bahay ni Iloilo Mayor Mabilog

0
47

Sharing is caring!

ILOILO CITY – Pinasok ng mga kasapi ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 6 ang bahay ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog nitong hapon ng Huwebes.

Ang tatlong palapag na bahay ay matatagpuan sa Barangay Tap-oc, Molo, Iloilo City at ito ay nakaharap sa Iloilo River.

Pinangunahan nina NBI special investigators John Catipunan at Arnold Diaz ang team ng NBI na pumasok sa bahay ng alkalde.

Layunin nito na magdokumento ng mga matatagpuan sa buong bahay ng alkalde at mga ari-arian nito.

Ayon sa NBI-6, magiging katuwang sila ng NBI Central Office sa pag-iimbestiga.

Read Also:  1 Year worth of anti-illegal drugs accomplishment in 2015 is only 1 month accomplishment in July 2016

Kasunod ito ng utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa lifestyle check si Mayor Mabilog.

Maalala na kahapon ay tinawag ng Pangulo na mala-palasyo ang bahay ni Mabilog, bagay na itinanggi naman ng alkalde.

Una nang sinabi ng alkalde na hindi palasyo ang kaniyang tahanan at naipatayo umano ito sa pagtutulungan nilang mag-asawa.

Iginiit ni Mabilog na bago pa man siya pumasok sa pulitika ay may ilan na silang negosyo ng kaniyang maybahay na si Marivic.

Isa na umano siyang negosyante sa Maynila bago niya napagpasyahan na permanente nang manirahan sa Iloilo at tumakbong konsehal ng lungsod.

Sinabi pa ni Mabilog na ilang taong nagtrabaho sa Canada ang kaniyang misis na si Marivic para makapag-ipon na inilagay naman nito sa investment.

Read Also:  Investigate Kian killing, arrest abusive cops — Duterte

Ngunit ngayon aniya ay hindi niya akalain na ang pangarap niyang makapagpatayo ng magandang bahay ay sanhi ng kaniyang bangungot.

Nang pinasok ng media noong nakaraang taon, wala namang masyadong mamahaling mga muwebles.

Ngunit dati nang naging kontrobersiyal ang nasabing bahay dahil idineklara lang umano ito ng alkalde na nagkakahalaga ng P3 million sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) gayong nasa P50-70 million umano ang halaga nito.

Ang hakbang ng NBI ay nataon naman sa pormal na pag-report sa puwesto ng bagong Iloilo City police chief na si Chief Inspector Jovie Espenido.

Sharing is caring!