Napapatay sa ika – 73 araw na bakbakan sa Marawi, mahigit 670 na

0
32

Sharing is caring!

Nadadagdagan pa ang bilang ng mga nasasawi sa patuloy na bakbakan sa Marawi City na ngayon ay nasa ika-73 araw na.

Batay sa datos ng Armed Forces of the Philippines, umaabot na sa 513 ang napatay na mga maute; 45 sibilyan ang pinatay ng teroristang grupo habang nsa 116 na mga sundalo at pulis ang nagbuwis ng buhay.

Nsa 1724 na sibilyan ang na-rescue; 596 ang mga na-rekober na mga armas; habang nsa 12 mga gusali na pinagkutaan ng mga Maute ang tuluyan nang nabawi ng Militar.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang sagupaan sa pagitan ng Militar at Maute terror group sa Marawi City.

Read Also:  ‘No ID, No entry’ policy remain in place in Zamboanga City

Sharing is caring!