Nahuling empleyado ng DENR na nagbebenta ng droga sa Pagadian, posibleng masibak

0
410

Sharing is caring!

Arestado ang isang empleyado ng Department of Environment and natural Resources (DENR) sa anti-drug buy bust operation sa Barangay Tuburan, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ang operasyon ay pinangunahan ng mga kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit kasama ang mga pulis ng Pagadian City police station.

Kinilala ng Pagadian police ang naarestong suspek na si Glenn Mendoza, residente ng Purok Nido, Barangay Gatas District, Pagadian City.

Nakuha sa kanya ng mga otoridad ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at ang ginamit na marked money sa nasabing operasyon.

Nakakulong na ito sa selda ng PDEA Detention Center habang inihahanda ang pagsampa ng reklamo laban sa kanya.

Read Also:  Authorities conduct surprise inspection at Pagadian City Jail

Dahil sa pagkakahuli sa suspek, posible itong matanggal sa kanyang trabaho sa DENR.

Sharing is caring!