Nagpakilalang staff ni Secretary Piñol, arestado sa Pagadian City

0
78

Sharing is caring!

Pagadian City -Arestado sa isinagawang entrapment operation ng Pagadian City PNP ang isang lalaki na nagpakilalang Staff ni Department of Agriculture Sec. Emmanuel “Manny” Piñol.

Kinilala ang naaresto na si Michael Maslog, 36 anyos, residente sa Brgy. Manugol, Kidapawan City.

Binisita ng suspek ang mga empleyado ng Pagadian City Agriculture Office at humingi ito ng apat na sako ng corn seeds na nagkakahalaga ng mahigit apat na libong peso.

Hindi nagdadalawang isip na magbigay ang mga empleyado ng DA Pagadian City nang nagpakilala itong staff ni Sec. Piñol, kaduda-duda kasi ang kilos ng suspek kaya nagsumbong sila sa kapulisan at nalaman na hindi pala totoong staff ni Pinol.

Read Also:  300 Self-confessed drug users and pushers surrendered to Pagadian City Mayor and PNP Chief

Patuloy rin na pinaghahanap ng mga otoridad ang babae na kasama ng suspek.

Sharing is caring!