Mga sangkot sa P6.4-B drug shipment sa BOC, pigilang makalabas ng Phl – Gordon

0
36

Sharing is caring!

Isinusulong ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon na maisailalim sa hold departure order ang mga pinaghihinalaang sangkot sa pagpupuslit ng 600 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 billion.

Kabilang sa nais ni Gordon na pigilang makalabas ng Pilipinas si Richard Tan o kilala rin bilang Chen.

Una rito, idiniin ng broker na si Mark Ruben Taguba II, na si Tan ang may-ari ng Hongfei Philippines na responsable sa pagpapadala ng kargamento sa Pilipinas mula sa China.

Idinaan ito sa EMT Trading, na inaakusahan naman bilang “consignee for hire.”

Read Also:  NBI files raps vs. 25 foreigners nabbed in Boracay

Sa panig naman ni EMT Trading proprietor Eirene Mae Tatad, wala raw silang alam na may droga sa mga bagaheng deklarado bilang gamit sa kusina.

Sharing is caring!