Mga kumontra sa martial law extension, tinawag na ‘ignorante’ ng isang pari; giit sa mga ito na subukang manirahan sa Marawi

0
19

Sharing is caring!

GENERAL SANTOS CITY – Itinuring ng isang pari na isang tagumpay para sa Mindanaoans na inaprubahan ng Kongreso ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin hanggang Disyembre 31, 2017 ang martial law sa buong Mindanao.

Inihayag ni Fr. Raul Vale, mabuti ang maidudulot ng martial law para sa kasaganaan, seguridad ng mga mamamayan, at lalong lalo na sa pagkakaroon ng peace and order sa Mindanao.

May mensahe naman si Fr. Vale sa mga anti-martial law na direktang tinawag nito na ignorante.

Kasabay nito, hinamon ng pari na subukan ng mga ito na manirahan sa Marawi upang malaman ang totoong sitwasyon ngayon doon sa lungsod.

Read Also:  Drilon: Martial Law extension dapat 60 araw lang

Nabatid na sa ginanap na botohan sa isinagawang Joint Session, kabuuang 261 na mambabatas ang bumotong pabor habang 18 naman ang kumontra.

Samantala sinabi naman ni Rep. Pedro Acharon Jr. sa 1st District sa South Cotabato na bumoto siya ng yes sa martial law extension dahil nais nitong matapos na ang gulo sa Marawi City.

Hangad naman ni Police Chief Supt. Cedric Train ang hepe ng Police Regional Office Region 12 (PRO-12) na mas mapapalakas ang Region 12 na matatamo kasabay ng ipinaiiral na martial law.

Sharing is caring!