Meeting ni Duterte sa magulang ni Kian, hindi ‘damage control’ – Palasyo

0
9

Sharing is caring!

Pinabulaanan ng Malacañang na layunin ng meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang ni Kian delos Santos na pahupain ang emosyon kaugnay sa pagkakapatay ng mga pulis sa menor de edad.

Magugunitang sinasabi ng mga kritiko na dumarami ang nagpapahayag ng saloobin laban sa pagkakapatay kay Kian at nababahala umano ang Malacañang kaya hinarap ni Pangulong Duterte ang mag-asawang Delos Santos para maiwasan ang paglala o “snowball” ng sentimyento ng publiko.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi gawain ni Pangulong Duterte ang ganitong “damage control” at pagmanipula sa pagbibigay ng mensahe.

Read Also:  War on Drugs: 18 Mayors Named on Duterte Hit List Surrender

Ayon pa kay Abella, ang pagharap ng pangulo sa mga magulang ni Kian ay isang makataong tugon sa mahirap na sitwasyon ng mga naulila.

Iginiit din ni Abella, mga magulang ni Kian ang humiling ng meeting kaya pinagbigyan ito ni Pangulong Duterte.

Sharing is caring!