Mahigit 20 flights, kinansela dahil kay ‘Isang’

0
16

Sharing is caring!

Umaabot sa 24 na international flights na patungo at paalis ng Pilipinas ang apektado ng tropical storm Isang na may international name na Hato.

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), apat ang nakansela sa Cathay Pacific, 12 sa Philippine Airlines at walo naman sa Cebu Pacific.

Nabatid na maliban sa Manila origin flights, may mga nakansela ring galing at patungo sa Clark, pati na sa Cebu.

Narito ang listahan ng mga kinanselang byahe:

Cathay Pacific

CX 900 – Manila-Hong Kong
CX 904 – Manila-Hong Kong
CX 912/913 – Manila-Hong Kong-Manila

Read Also:  WATCH: Malakas na ulan dulot ng Bagyong Butchoy sa Pagadian City

Philippine Airlines

PR 300/301 – Manila-Hong Kong-Manila
PR 306/307 – Manila-Hong Kong-Manila
PR 310/311 – Manila-Hong Kong-Manila
PR 318/319 – Manila-Hong Kong-Manila
PR 352/353 – Manila-Hong Kong-Manila
PR 382/383 – Manila-Hong Kong-Manila

Cebu Pacific

5J108 Manila-Hong Kong
5J109 Hong Kong-Manila
5J110 Manila-Hong Kong
5J111 Hong Kong-Manila
5J150 Clark-Hong Kong
5J149 Hong Kong-Clark
5J240 Cebu-Hong Kong
5J241 Hong Kong-Cebu

Sharing is caring!