Lifestyle check, kailangan din para sa ibang Comelec officials

0
14

Sharing is caring!

Ipupursige na rin ang lifestyle check sa mga opisyal at kawani ng Commission on Elections (Comelec) matapos lumabas ang alegasyong nagkamal si Comelec Chairman Andres Bautista ito ng P1 billion unexplained wealth.

Ayon kay Sen. Grace Poe, dahil sa nabunyag na yaman ni Bautista, mainam na silipin na rin ang yaman ng iba pang matataas na opisyal ng poll body.

“Dapat naman periodically ginagawa iyan [lifestyle check]. Mismong ang ating administrasyon na rin ang nagsabi na dapat may mga ganoon, ang DoJ mismo ang nagsabi na ngayon na magfa-file ng kaso? Paano mo mapapatunayan kung totoo nga yung mga alegasyon,” wika ng senadora.

Read Also:  COMELEC to comply with Supreme Court order on Marcos electoral protest

Ayon kay Poe, isang matinding rebelasyon ang ibinunyag ng asawa ni Bautista laban sa kanya at hindi maaaring ituring ito bilang simpleng away mag-asawa lamang.

“Ikinagulat natin ito pero ito’y higit pa sa away mag-asawa. Kung hindi, ang tanong dito, may pera ba o wala? Saan nakuha iyon? Bakit ganoon kalaki? Doon natin dapat ituon ang ating pag-iimbestiga kasi bilang kawani ng gobyerno o bilang opisyal ng gobyerno, mahalaga na ang mga bagay na iyan ay mapapatunayan,” ani Poe.

Nilinaw naman ng mambabatas na wala siyang personal na sama ng loob kay Bautista at hindi rin umano isyu ang pagkatalo niya sa nakalipas na presidential elections.

Read Also:  Impeachment complaint filed vs Comelec chief Bautista

Sharing is caring!