Kian delos Santos drug courier ng kanyang ama at tiyuhin – PNP

0
21

Sharing is caring!

Manila, Philippines – Drug courier ng kanyang ama at tiyuhin si Kian delos Santos ang 17 yrs. old na binatilyo na napatay sa drug operation ng PNP Caloocan matapos umanong manlaban.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Dionardo Carlos.

Aniya ang impormasyong ito ay batay sa intelligence report na nakalap ng PNP Caloocan.

Sa Intel report aniya ng PNP Caloocan lumalabas na gumagamit ng iligal na droga ang tatay ni Kian na si Saldy delos Santos at tiyuhin at si Kian ang pinagbibitbit ng droga.

Sa ngayon nasa case build up pa lamang daw ang PNP para makakuha ng search warrant sa korte para maaresto ang ama ni Kian at tiyuhin.

Read Also:  Palasyo kay ex-Pres. Aquino: Alamin ‘facts & figures’ sa Duterte drug war

Sharing is caring!