Kampo ng Parojinog, hihilingin sa DoJ na palayain muna si Vice Mayor Parojinog-Echavez

0
60

Sharing is caring!

Hihirit daw ngayon ang kampo ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez sa Department of Justice (DoJ) na palayain na ang bise alkalde sa nakatakdang inquest proceedings ngayong araw.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng vice mayor, hihilingin daw nila sa DoJ na utusan ang PNP na pakawalan na muna si Parojinog-Echavez dahil nagpaso na ang 36-hour rule sa paghahain ng reklamo laban sa naarestong indibidwal.

Base umano sa account ng kampo ng vice mayor, naaresto ito ng mga pulis dakong alas-6:00 ng umaga noong Linggo at nagtapos na ang 36-hour deadline alas-6:00 ng gabi kahapon.

Read Also:  Parojinog daughter asks Duterte to probe killing of Ozamiz mayor, 14 others

Pero puwede pa naman umanong sumailalim sa inquest proceedings ang bise alkalde kahit nagpaso na ang deadline.

Ang nais umano ni Topacio ay pakawalan muna ang vice mayor at kasuhan na lamang sa ilalim ng regular preliminary investigation procedures.

Una nang sinabi ng kampo ng Parojinog na planted o itinanim lamang ang mga ebidensiya na nakuha ng mga pulis sa bahay ni Parojinog-Echavez pero mariin namang itinanggi ng PNP.

Sharing is caring!