Joint Session ng Kongreso hinggil sa Martial Law extension, nagpapatuloy sa Batasang Pambansa

0
12

Sharing is caring!

Pormal nang nagsimula ang Joint Session na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para talakayin ang kahilingan nitong mapalawig ng limang buwan ang Martial Law sa Mindanao.

Eksaktong alas 9 nang buksan nina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez ang Joint Session sa Batasang Pambansa na dinaluhan ng 242 kongresista mula sa 292 kabuuang bilang at 14 senador mula sa 22 miyembro ng Senado.

Unang bahagi ang roll-call na sinundan ng pagtalakay at bahagyang debate sa Rules ng Joint Session.

Matapos ang presentasyon ni Executive Sec. Salvador Medialdea sa Martial Law report ni Pangulong Duterte, sunod na ang nominal voting ng mga mambabatas.

Read Also:  P300K bounty raised for killers of Mindanao journalist

Una rito, maluwag daw na tatanggapin ni Pangulong Duterte sakaling hindi pagbibigyan ng Kongreso ang kanyang kahilingang palawigin ng limang buwan ang Martial Law sa Mindanao.

Ngayong araw, nakatakdang mag-convene ang dalawang kapulungan ng Kongreso para talakayin kung pagbibigyan ang hirit ni Pangulong Duterte na Martial Law extension.

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi naman niya kailangan ang Martial Law at magagawa pa rin niya ang kanyang sinumpaang tungkulin kahit walang Batas Militar.

Ayon kay Pangulong Duterte, may Martial Law man o wala, magagawa pa rin niyang umaresto ng mga rebelde kahit walang warrant of arrest dahil naniniwala siyang bahagi ito ng giyera.

Read Also:  Mindanao still generally peaceful – AFP

Kasabay nito, muling itinanggi ng pangulo na layunin ng Martial Law para manatili o magtagal siya sa puwesto.

Katunayan, nagmamadali na daw siyang matapos ang kanyang termino dahil hindi naman siya masaya sa pagkapangulo.

“Ako, I can operate with or without martial law. Sabi ko I’ll just have to do my duty. It’s in my oath of office. I don’t need martial law. Kung ayaw ninyo, then we will just have to arrest persons because martial law gives me the power to arrest a person without a warrant. Now ‘pag wala na ‘yan and if I have to arrest you without a warrant, I will arrest you without a warrant – with or without martial law. If I think that it is part of the war. If I believe in good faith na kasali ka sa rebelde, huhulihin kita with or without martial law,” ani Pangulong Duterte.

Read Also:  Civilians in police, military uniform to be arrested

Sharing is caring!