Indibidwal na kapangalan na nakasulat sa papel na nakumpiska kay Nova Parojinog lumutang

0
90

Sharing is caring!

Pinabulaanan ng isang licensed medical technologist na kilala nito ang mga Parojinog na isinangkot sa illegal drug operation sa Ozamiz City, Misamis Occidental.

Ito ay matapos nakumpiska ng pulisya ang kontrobersiyal na piraso ng papel na tinangka ni detained City Vice Mayor Nova Princess Parojinog na lunukin nang hinuli sa loob ng kanyang bahay.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Rence Mejares na malaking bagabag para sa kanya na mayroong kapareho ng kanyang pangalan na nasa listahan ng bise alkalde.

Sinabi ni Mejares na maaring kapareho nito ng kanyang pangalan ang nakasulat na “CdeO-Rence Mejares” ngunit magkaibang tao.

Read Also:  Parojinog siblings test negative for drug use

Inamin nito na kailanman umano ay hindi pa niya narating ang Ozamiz kaya wala itong ideya sa mga Parojinog.

Inihayag rin ni Mejares na kasalukuyan pa itong nag-aaral ng kursong medisina sa isang unibersidad na nakabase sa Cagayan de Oro City.

Kaugnay nito, isusumite ni Mejares ang kanyang sarili upang magbigay paliwanag sa pulisya nitong lungsod.

Napag-alaman na si Mejares ay isinilang at nakatira sa Gingoog City, Misamis Oriental at bago lamang tumigil ng kanyang trabaho dahil nag-aaral ng kursong medisina.

Sharing is caring!