Impeachment complaint, ihahain ng dating mambabatas vs Comelec Chair Bautista

0
9

Sharing is caring!

Nakatakda umanong magsampa ang isang dating mambabatas ng impeachment complaint laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista dahil umano sa kanyang mga tagong yaman na aabot sa P1 billion.

Ayon kay dating Negros Oriental representative Jacinto Paras, plano raw nitong ihain ng impeachment complaint sa susunod na linggo.

Aniya, nakipag-usap na raw ito sa isang miyembro ng House of Representative na siyang mag-iindero sa reklamo base na rin sa mga alegasyon ni Patricia Paz Bautista, ang estranged wife ng Comelec chief.

Maalalang una nang inakusahan ni Mrs. Bautista na hindi idineklara ng kanyang asawa ang kanyang ilang ari-arian sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).

Inakusahan din niya ang kanyang asawa na tumanggap sa automated polls service provider Smartmatic at nagkaroon umano ng mga ghost employees noong chairman pa ito ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Read Also:  Wife says Comelec chief has unexplained wealth

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos na ng Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga isyu na ipinupukol sa poll chief ng mismong asawa.

Maliban dito, sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na bukod sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI ay may parallel investigation din umanong isinasagawa ang PCGG.

Sharing is caring!