Ibang mga tanggapan ni Peter Lim sa Cebu, padadalhan din ng subpoena ng CIDG-7

0
16

Sharing is caring!

Cebu – Gustong maniguro ng Criminal Investigation and Detection Group-7 na makakarating sa negosyante na si Peter Lim ang kopya ng subpoena para sa pagdalo nito sa imbistigasyo ng Department of Justice .

Ayun sa hepe ng CIDG-7 na si Supt. Royinda Garma, matapos ipadala sa bahay ni Lim ang subpoena kahapon, ang susunod na padadalhan ay ang ibat-ibang opisina ng negosyante sa Cebu.

Nais na matiyak ng CIDG-7 na makakadalo si Lim sa imbistigasyon sa inihaing reklamo laban sa kaniya ngayong Agusto 14 at Agusto 17 sa alas 10:00 ng umaga.

Read Also:  P2-M sa bawat pulis na sangkot sa Ozamiz killings; gusto ko ‘dead or alive’ – Duterte

Maliban sa subpoena para kay Lim nakatanggap din ang CIDG ng subpoena para sa ibang mga suspected drug personalities sa Cebu.

Sharing is caring!