High powered rounds of ammunitions mula Marawi City, dalhin sana sa Davao City

0
58

Sharing is caring!

Ipupuslit sana ang mga nakumpiska na mga bala mula sa Filipino-Chinese businessman patungong Davao City galing sa Marawi City.

Ito ang natuklasan ng City Intelligence Unit (CIU) ng pulisya matapos mahuli ang may-ari ng warehouse na si Jay Tan na 10 taon nang namamalagi sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni CIU head Chief Insp. Ariel Philip Pontillas na mayroon pa sanang hinihintay ang suspek na karagdagang supply ng high caliber ammuninations na maihatid sa kanyang warehouse bago ito iluluwas sa Davao City.

Read Also:  No spillover of Marawi conflict to Maguindanao, says AFP

Sinabi ni Pontillas na nabigo ang suspek makapaghain ng anumang dokumento para sa mga nakompiska na mga bala kaya ito inaaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court (RTC) Branch 18 Executive Judge Dennis Alcantar.

Kaugnay nito, kinasuhan ng pulisya nang paglabag ng Republic Act 10925 partikular sa illegal possession of ammunitions ang suspek sa piskalya nitong syudad.

Una nang iginiit ng suspek na niloko umano siya ng kanyang mga customer kung saan ipinuslit sa loob ng warehouse nito ang mga kontrabando.

 

Kabilang sa mga nakompiska ng raiding teams ang 15 live rounds ng 50 caliber machine gun; 23 rounds ng 5.56mm; 13 rounds ng live ng 7.62mm; anim na short at long rifle magazines.

Read Also:  Duterte bumalik sa Marawi para palakasin morale ng mga sundalo

Tumambad rin sa mga otoridad ang dalawang sako ng empty shells ng caliber 50 machine gun at 129 piraso ng spent shells ng caliber 40mm.

Sharing is caring!