Hapilon, nasa Marawi pa; ‘matter of time’ na lang bago siya makuha – Palasyo

0
16

Sharing is caring!

Binigyang-diin ng Malacañang na nananatiling “raw information” at hindi pa naberipika ang naglalabasang report na nakalabas na ng Marawi City si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon at namataan na raw sa Basilan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangan pa ng masusing validation ng militar at iba pang security agencies ng gobyerno ang mga natatanggap ng impormasyon.

Ayon kay Abella, sakaling ito ay totoo, nagpapakita itong inabandona ni Hapilon ang mga tauhan habang papalapit ng matapos ang giyera sa Marawi.

Sa ngayon, lumalabas sa military assessment na nasa Marawi pa si Hapilon at pursigido ang mga sundalo na makuha siya.

Read Also:  3 suspected Mautes arrested in Cagayan de Oro

Naniniwala ang Malacańang na sa katunayan, oras o panahon na lamang ang pinag-uusapan bago siya tuluyang mahuli o ma-neutralize.

“We treat numerous reports saying that Isnilon Hapilon has left Marawi and has been seen openly in Basilan as raw information requiring further validation by the military and various security agencies of government. Granting Isnilon Hapilon’s whereabouts in Basilan is true, it would mean that he chose to abandon his men as the battle of Marawi nears its final stretch. However, recent military assessments indicate that he is still very much in Marawi. Our forces are hot on their heels and it will only be a matter of time before we get him,” ani Abella.

Read Also:  5 hinihinalang miyembro ng Maute group, dinampot ng mga otoridad sa Pagadian City

Sharing is caring!