Espenido, hindi na matutuloy bilang next chief of police ng Iloilo

0
27

Sharing is caring!

ILOILO CITY – Hindi na matutuloy ang pag-upo ni Chief Inspector Jovie Espenido bilang director ng Iloilo City Police Office (ICPO).

Ito ang inanunsyo ni Police Regional Office 6 (PRO-6) director Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag.

Ayon kay Binag, kakatanggap lamang nila ng kautusan mula sa Kampo Crame na nagsasabing kinakansela na ang assignment ni  Espenido sa Iloilo.READ:  Alkalde sa CamSur, tanggap ang 3 mos. suspension re: simple misconduct

Itinalaga ng PNP headquarters bilang bagong director ng Iloilo City Police Office si S/Supt. Henry Binas.

Ayon kay Espenido na hindi niya maaring iwan ang Ozamiz City na hindi pa natatapos ang kaniyang trabaho.

Read Also:  Parajinog siblings now in PNP Custody

Kahit daw kasi namatay na si Mayor Reynaldo Parojinog at ilang kamag-anak nito, may natira pang miyembro ng pamilya Parojinog na hindi pa nahuhuli.

Sinabi ni Espenido, mismong ang mga mamamayan ng Ozamiz ang nagmamakaawa na huwag muna niyang lisanin ang Ozamiz City.

Kung maaalala mismong sina Pangulong Rodrigo Duterte pa at ang PNP chief ang nag-anunsiyo sa bagong assignment ng kontrobersiyal na police major.

Sharing is caring!