Ekonomiya ng Pilipinas umangat sa 6.5% sa 2nd quarter; Marawi crisis, walang epekto sa investments

0
42

Sharing is caring!

Umangat umano ang antas ng ekonomiya ng Pilipinas sa second quarter ng taon kasalukuyan.

Ito ang iniulat ngayon ni National Economic Development Administration (NEDA) Director General Ernesto Pernia sa ginanap na press conference.

Aniya, dahil sa pagtaas ng porsyento ng Gross Domestic Product (GDP) o kabuuang lokal na produkto sa 6.5 percent mula 6.4 percent, kaya isa umano ang ating bansa sa may pinakamagandang ekonomiya sa buong Asya.

“With our country growing at 6.5 percent in the second quarter of 2017; we remain as one of the best-performing economies in Asia. We are well on track to meeting our full-year target growth of 6.5 to 7.5 percent,” ani Pernia.

“We have overtaken Vietnam’s 6.2 percent growth and Indonesia’s 5.0 percent growth rate,” dagdag pa nito.

Read Also:  Malacañang open to public soon

Inamin ng opisyal na tumamlay man ang pribadong sektor, nakatulong naman daw ang mga hakbang ng gobyerno para maingat ito.

Kasabay nito nanawagan ang kalihim sa mga pribadong sektor na suportahan ang mga aktibidad at hakbang pang-ekonomiya ng Duterte administration.

Kaugnay niyan, ibinahagi ng National Statistician na si Lisa Grace Bersales na ang sektor ng industriya ang may pinakamataas na GDP na naitala sa 7.3 percent dahil sa tulong ng manufacturing at minahan.

Ito ay sinundan ng agrikultura na nakabawi mula sa El Nino na may 6.3 percent ang pagsipa.

Sa kabila nito, naging mabagal naman ang pag-angat ng sektor ng serbisyo na may 6.1 percent kumpara sa 6.7 percent noong mga nakaraang quarter.

Read Also:  Exec. Order of Freedom of Information (FOI) to be expected this week or next week says Andanar

Samantala tiniyak naman ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na walang epekto ang krisis sa Marawi sa mga private investments.

Aniya, focus nila ngayon na tuluyang maibalik ang kaayusan ng ekonomiya sa lugar lalo na sa Mindanao.

Inaasahang babawi pa ang lahat ng sektor sa ikatlong kwarter kung saan magsisimula ang ilang proyekto ng pamahalaan lalo na sa larangan ng imprastraktura diretso sa pagpasok ng 2018.

Sharing is caring!