Duterte sa anak na si Vice Mayor Paolo: ‘Dumalo sa Senate probe’

0
8

Sharing is caring!

DAVAO CITY – Mas maganda umano na dumalo si Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte sa pagdinig ng Senado patungkol sa isyu sa P6.4 billion smuggling ng illegal drugs sa Bureau of Customs (BOC).

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa kaarawan ni Cong. Karlo Nograles kagabi.

Pinayuhan din ng punong-ehekutibo ang anak nito na kung dadalo man sa pagdinig ng Senado, hindi nito sasagutin ang mga tanong mula kay Sen. Antonio Trillanes dahil malinaw na paninira lamang ang ginawa ng senador.

Pinayuhan din ni Pangulong Duterte ang iba pang indibidwal na pinadalhan ng subpoena ni Trillanes na mas magandang hindi rin sagutin ang tanong ng senador at magpadala na lamang ng sulat.

Read Also:  A cleaner Divisoria: Citizens credit Duterte for its transformation

Hindi rin aniya maaaring i-contempt ng senador ang isang indibidwal kung hindi man ito makadalo sa isasagawang pagdinig.

Dagdag pa ng Pangulo, parang nasa isang “fishing expedition” si Trillanes at kung may gusto itong malaman, mas magandang umanong tanungin nito ang mga kasamahan ng kanyang inimbestigahan at hindi pagbabasehan sa kung ano man ang isasagot ng mga isinalang sa pagdinig.

Sharing is caring!