Duterte may ebidensya sa alegasyong off-shore bank accounts ni Trillanes – Palasyo

0
18

Sharing is caring!

Tiniyak ng Malacañang na mayroong sapat na ebidensiya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ibinunyag niyang iba’t ibang bank accounts ni Sen. Antonio Trillanes na nakakalat daw sa Amerika, Hong Kong at Australia.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, malawak ang intelligence resources ni Pangulong Duterte para makakuha ng mga classified information.

Ayon kay Andanar, ang mga patikim na pasabog ni Pangulong Duterte sa mga bank account ni Trillanes ay tiyak na masusundan ng tuluyang paglalantad sa publiko sa mga susunod na araw habang patuloy ang pag-iipon ng ebidensya.

Tanging ang pangulo lang aniya ang may hawak ng impormasyon kaugnay sa mga misteryosong bank accounts ni Trillanes na siguradong suportado ng mga dokumento.

Dagdag pa ni Andanar na bilang abogado, hindi naman ibubunyag ni Pangulong Duterte ang mga impormasyong laban sa mambabatas kung wala itong hawak na sapat na ebidensiya na tiyak na dumaan sa masusing proseso.

Sharing is caring!