Duterte critics na sumasakay sa Kian killing issue, inaasahan na – Palasyo

0
10

Sharing is caring!

Hindi na ikinagulat pa ng Malacañang ang pagsakay ng ilang mga personalidad na kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng pagkapatay ng pulis kay Kian delos Santos sa drug raid sa Caloocan City.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo, inaasahan na niya ang pagsawsaw sa isyu ng mga kilalang kritiko ni Pangulong Duterte at ng administrasyon.

Ayon kay Panelo, hindi na nakapagtataka na gawin ang aniya’y “jumping to conclusion” na ang layunin ay sirain ang pangulo sa paningin ng mga tao.

Ang problema lang daw, walang maniniwala at naniniwala sa nagtatangkang sirain si Pangulong Duterte dahil galit sa kanila ang tao.

Read Also:  10-point economic agenda among the topics of President Duterte's first SONA

Kumbinsido si Panelo na mayorya ay nasa panig ng administrasyon at mas naniniwala kay Pangulong Duterte.

“Inaasahan ko na sa kanila iyon. They will jump at any issue to demolish this presidency. Natural na sa kanila iyon. Mukhang hindi na sila titigil, parati na silang ganoon. But they—we have, but people don’t believe that naman eh. Eh, iyan ang magiging problema nila. Ang tao ay galit sa kanila, hindi naniniwala sa kanila, sa Presidente naniniwala,” ani Panelo.

Sharing is caring!