Duterte bumalik sa Marawi para palakasin morale ng mga sundalo

0
23

Sharing is caring!

Muling bumisita ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City para ipakita ang suporta sa mga sundalong miyembro ng Joint Special Operation Task Force Trident sa Camp Kilala.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na siya’y bumalik dahil sa kanyang pagmamahal sa mga sundalo at umaasang mapalaya na ang Marawi mula sa mga terorista.

“I have to be here because I want all of you to know that… Mahal ko kayo. I hope you will be able to clean up Marawi City and get rid of the terrorists,” ani Pangulong Duterte.

Read Also:  Duterte satisfied with ongoing anti-abu sayyaf operations

Muli ring inulit ni Pangulong Duterte ang kanyang pangakong pagtatatag ng Trust Fund para sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalo.

Ibinalita rin ng Pangulong Duterte ang kanyang paglagda sa Free Tertiary Act o batas para sa libreng matrikula sa state universities and colleges (SUCs).

“’Yung promise ko na I will establish a trust fund of 50 billion when I go out of the presidency, that 50 billion will be dedicated solely to the education of your children,” dagdag ng pangulo.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Pangulong Duterte ang kanyang dahilan ng pagtawag na gago si dating Pangulong Noynoy Aquino.

“Sabi kasi ni Noynoy… Tinanong siya about the drug operation at ang sinabi nya wala namang nangyari eh, isang taon na… I answered back, napakagunggong mo naman. Napakasakit naman niyan… Marami akong sundalong namatay, wounded sa police… Nakakainsulto ‘yan,” ani Pangulong Duterte.

Read Also:  Hapilon's hiding place in Marawi is the focus on operations - AFP

“I am very sensitive sa ganitong issue kasi marami ng mga pulis at sundalo na nangamatay, so kung careless magsabi ka na walang nangyari talagang mag-init ang ulo ko.”

Kasama ni Pangulong Duterte sa Marawi visit sina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, Armed Forces Chief General Eduardo Año at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Sharing is caring!