DAR Sec. Mariano bigong makumpirma ng CA; 10 oppositors, lumutang

0
11

Sharing is caring!

Hiniling ni Sen. Gregorio Honasan na ituloy na lang sa Setyembre 5, 2017 ang hearing para sa appointment ni Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano.

Ayon kay Honasan, sa 10 oppositors, isa pa lang ang naisalang kanina para maglahad ng pagtutol sa ad interim appointment ni Mariano.

Hangad ni Honasan na marinig muna ang iba pang kontra sa pamumuno ni Mariano para sa DAR, bago desisyunan ang appointment nito.

Una nang sumalang ang unang oppositor na si Ma. Teresa Gallego, kung saan inaakusahan nito na mga tauhan ng DAR chief ang pumasok at nagtayo ng bahay sa kanilang lupa nang walang paalam.

Read Also:  Passed on second reading and with a P2-B budget, Natl ID System practically a done deal

Si Mariano ay isa sa mga itinalagang kalihim ni Pangulong Rodrigo Duterte na kilalang nasa hanay ng makakaliwang grupo.

Sharing is caring!