Dagdag na kaso vs Parojinogs, kasunod ng paglutang ng umano’y testigo – Ozamiz PNP

0
263

Sharing is caring!

Sasampahan ng pulisya ng panibagong kasong kriminal ang pamilya Parojinog kung totoo na itinago ang umano’y survivor na naghayag na sinadyang pinatay ang mag-asawang City Mayor Reynaldo Aldong Sr. at Susan Parojinog maging si Board Member Octavio Parojinog Jr. sa Ozamiz City, Misamis Occidental.

Ito ang kasagutan ni Ozamiz City Police Station commander C/Insp. Jovie Espenido ukol sa pahayag ng umano’y testigo na binaril ng mga pulis ang mag-asawang Parojinog at ang board member bago tinapunan ng granada.

Sinabi ni Espenido na kabilang sa mga dapat mahuli nila ang nagpakilalang testigo dahil sa isinilbi nila na search warrants kaya madadagdagan ang kakaharapin na kaso ng mga Parojinog.

Read Also:  Ozamiz Mayor Parojinog admits daughter’s relationship with jailed drug lord

Una nang sinabi ng testigo na unang binaril ng mga pulis ang si Ginang Parojinog at sinunod si Octavio Jr., na humarang para hindi sana matamaan si Parojinog Sr.

Napag-alaman na mariing itinanggi ni Philippine National Police (PNP) chief director General Ronald Dela Rosa na isang police operation at hindi liquidation ang nangyaring pagkapaslang ng mga Parojinog, salungat sa mga bintang laban sa kanila.

Sharing is caring!