Bulgarian national na umano’y sangkot sa ATM skimming syndicate, naharang sa Zambo

0
38

Sharing is caring!

ZAMBOANGA CITY – Hawak na ng mga otoridad sa Zamboanga City ang isang Bulgarian national na hinihinalang kasapi ng international syndicate na nangunguna sa mga ATM skimming.

Batay sa ulat Philippine Coast Guard-Zamboanga, sasakay na sana sa passenger vessel ng MV Trisha Kerstain na papunta sa Bongao, Tawi-Tawi ang 33-anyos na banyagang si Konstantin Simeonov Kavrakov, nang ito ay maharang.

Sa isinagawang beripikasyon sa kanya, wala umano siyang passport at iprinisenta nito ang affidavit of lost na nagsasabing nawala ang kanyang mga travel document noong Abril 20 ng taong kasalukuyan sa Pampanga.

Read Also:  DTI sets 2-day Ramadan Diskwento Caravan in Zamboanga City

Kasama rin sa mga hawak nito ang isang Philippine non-pro drivers license na nakapangalan sa kanya kasama ang kanyang larawan at nakalagay dito na nakatira siya sa may Eastwood Libis, Quezon City.

Posibleng plano umanong dumaan sa tinaguriang back door ng bansa ang suspek palabas ng Malaysia.

Biniberipika rin ng mga pulis kung siya na ang tinaguriang “king of hacker” na nang-hack sa mga bank account ni Microsoft founder Bill Gates noong 2011 kung saan na-withdraw niya ang milyong halaga ng pera.

Nakuha sa kanya ang mahigit 30 swipe card, portable swipe machine, at iba pang kagamitan sa paggawa ng mga cloning debit at credit card.

Read Also:  Western Mindanao Command : 2 Soldiers, 1 Civilian employee tested positive of illegal drugs

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng pulisya sa Zamboanga City, may arrest warrant ang suspek na kanila pang hinihintay.

Napag-alaman pa na ilang beses na rin siyang naaresto dahil sa mga ATM skimming pero nakakalaya rin at ipinagpapatuloy ang kanyang masamang gawain lalo na sa Maynila.

Sharing is caring!