BREAKING NEWS: Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, patay sa raid sa kanilang bahay

0
165

Sharing is caring!

OZAMIZ CITY, Misamis Occidental – Patay si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog sa raid sa kanilang bahay sa San Roque Lawiz, Ozamiz City.

Sinalakay ng mga pulis at miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bahay ng Pamilya Parojinog para maghain ng search warrants kaninang madaling araw.

Pero sinalubong daw sila ng putok ng baril ng mga security ni Parojinog. Kaya napilitan silang gumanti laban sa mga ito.

Bukod kay Mayor Parojinog, anim na iba pa ang napabalitang patay sa engkuwentro. Kinukumpirma pa kung kasama sa mga nasawi si Susan Parojinog, ang asawa ng alkalde.

Read Also:  Parojinog burial postponed to give way to private autopsy

Samantala, naaresto ng mga otoridad si Vice Mayor Nova Parojinog Echaves na umano’y karelasyon ng drug lord na si Herbert Colangco.

Matatandaan na sinabi ni Pres. Duterte na sangkot sa iligal na droga ang Pamilya Parojinog sa Mindanao

Sharing is caring!