Bomb-maker, trainer ng BIFF patay raid sa Maguindanao

0
15

Sharing is caring!

COTABATO CITY – Patay ang isang mataas na opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) mula sa tinaguriang Karialan faction matapos ang inilunsad na law enforcement operation ng mga otoridad dakong alas-7:15 kagabi sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Ibrahim Ali alyas Kumander Ibs, umano’y bomb-maker at trainer ng BIFF.

Ayon kay 6th Infantry Division spokesman Captain Arvin Encinas, nagsagawa ng law enforcement operation ang pinagsanib na pwersa ng 19th IB, 603rd Brigade Philippine Army, DOS PNP at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM) malapit sa isang gasoline station sa Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kung saan namataan si Kumander Ibs.

Read Also:  Military offensive vs Abu Sayyaf continues

Nang sitahin daw ng mga otoridad si Ali ay nagtangka umano itong lumaban kaya ito ay napatay.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .45 na pistola at mga bala.

Sinasabing matagal nang pinaghahanap ng militar at pulisya si Kumander Ibs batay sa kautusan ng Department of National Defense (DND) alinsunod sa deniklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng militar at pulisya ang kanilang operasyon laban sa mga terorista at ilang armadong grupo na banta sa seguridad ng mamamayan.

Sharing is caring!